html PUBLIC "-//W3C//DTD XHTML 1.0 Strict//EN" "http://www.w3.org/TR/xhtml1/DTD/xhtml1-strict.dtd"> bOoGie!!!: Once Upon A Time Can Happen Anytime

Monday, August 23, 2004

Once Upon A Time Can Happen Anytime

hehe...well,yan po ang teaser ng A CINDERELLA STORY...the movie is so nice. simple lang yung story at alam mo na na sila rin ang magkakatuluyan but still madadala ka (yes madadala!) ikaw ba yan? magrereact na naman c meloh nyan for sure!..

last saturday, supposed to be magpa practice kami sa house ni tairra for our filipino subject...but then,tong dalawa kong magandang friendships(si klariz at si rose)di dumating..eh si klariz ang mas nakakaalam ng gagawin. so kesa maghintay kami until 12, tinawagan na namin at yun, di nga makakapunta! so we decided na lang to have a brunch in SM until we finally decided na manood na lang ng sine...lupit ng trippings namin noh?! imagine at 11 in the morning manonood ka ng sine! at eto pa ang siste, i only got a hundred! so todo budget...kailangan with that P100 makanood me ng sine at the same time makapag lunch na din! na in fairness nagawa ko naman..hehe

so we went there...tatlo pa lang kaming nakapila(ako,si erika at si caren)...until we became 5 kc may dalawang mag-chuva na pumila next to us..wala talagang katao tao yung loob ng sinehan. pwede ka nang magtatumbling o kaya maglaro ng patintero!...pero in fairness nadagdagan naman kami kahit papaano...10 na kaming nanuod..hehe..

okei, back to the story...ang main characters ay sina SAM(i dunno her last name) at si AUSTIN AMES...ganon lang din yung story pero modern type..nagkakilala sila through chat...den nagkahulugan ng loob kasi they share common interests..nung tym na na-meet na nila ang isa't isa,(tarush ha,*lalim!*)nag step out si sam na ipakilala yung tunay nyang identity (nung tym na kasi yun eh naka mask ang lola mo at di nakilala ng lolo mo!) kasi nga austin is a very popular guy sa school kumbaga iba ang level compared sa kanya...pero etong si austin, kinacareer talaga ang paghahanap dito kay "cinderella"..at yun na...ayoko ng ikwento kung ano pa yung susunod na pangyayari...boogie eh noh! tinatamad na kc me eh! xenxa... panoorin nyo na lang ha!

hay grabe! nakakarelate me talaga sa movie na yon kc ganun din yung story namin ni REUBEN eh..hehe..lalo na yung time na sinayaw ni austin si sam tapos tinugtog yung I'LL BE *uy kilig, uy kinikilig!*...LOL...uy joke lang yon ha reuben if ever na mabasa mo to...hehe...

anyway,xempre di matatapos ang post ko ng walang pangookray kay MELAI kasi inuumpisahan nya na ko...kung di nyo alam, tong si JELAI kahit di me makapagpost eh kei lang kasi xa ang nagisilbing JOURNAL ko...lagi ko yang kausap sa phone mula 6 hanggang 10:30...kaya pag la me assignment o kaya di me nakapag review, dahil yon sa kanya! hehe...well, yun lang muna ha...iisa-isahin ko yan dito sa posts ko...humanda ka nang babae ka,or should i say lalake ka!hehehe...BABUSH!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home